Una sa Balita

Iran nagpadala ng pagkain sa Qatar

By
0 5

Nagpadala ng mga pagkain ang bansang Iran sa Qatar dahil sa nararanasang food shortage dito matapos putulin ng 7 Arab countries ang diplomatic relations sa huli.

Sa ulat ng Agence France-Presse (AFP), limang Iranian planes ang lumipad at duma­ting sa Doha airport na may dalang tig-90 toneladang pagkain sa kabila ng paghihigpit ng Saudi Arabia at iba pang Gulf countries sa papasok na pagkain.

Kasama sa ipinada­lang pagkain ng Iran ang ilang gulay maliban pa sa 100 toneladang prutas ang ipadadala sa mga susunod na araw.

Tinatayang aabot sa 40 porsiyento ang nawala sa supply ng pagkain ng Qatar na nagmumula naman sa KSA.