Una sa Balita

IR umarya sa 2YO Maiden Race

0 302

NAGBATAK si Independencia Real upang maangkin ang panalo sa Two-Year-Old Maiden Race nitong Sabado sa San Lazaro Leisure Park, Carmona, Cavite.

May tatakbuhang stakes race si IR sa November 24 kaya nagsilbing magarang tune-up ang kanyang pagkakapanalo laban sa siyam na nakatunggali.

Sakay si many-time Philippine­ Sportswriters Association Jockey­ of the Year Patricio Ramos Dilema, niyugyog ni Independencia Real ang liyamadong si Noon Bell.

Agad sinunggaban ni second choice favorite Independencia Real ang unahan sa largahan at ‘di ito binitawan hanggang pagtawid ng meta.

Related Posts

“Maganda ‘yung salida namin kaya sabi ko iuna ko na tutal tapos naman si Independencia Real,” kuwento ni Dilema.

Pagsapit ng huling kurbada’y nasa dalawang kabayo na ang agwat ni Independencia Real at lumayo pa pagtawid ng finish line.

Sumegundo si Noon Bell habang tumersero si Jannanigans.

Nakatakdang lumaban si Independencia sa KDJM Juvenile Fillies Stakes Race bago matapos ang buwan. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More