Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ipon binuhos kay apo: 13M saludo sa galanteng lola

0 264

Viral ang isang lola na ibinigay lahat ng ipon niya sa apo dahil mamamatay na umano siya.

May mahigit 13 milyong views na sa TikTok ang video kung saan makikita ang sangkatutak na mga perang papel at barya na ibinigay ng isang lola sa kanyang apo na galing sa kanyang pitaka.

“May ibibigay daw siya kasi malapit na daw siyang mamatay,” saad ng nag-post na si feelip_oliver.

“Binigay niya sa akin lahat ng pera niya [kasi] baka mamatay na daw siya, i-deposit ko sa bangko. Ganyan din ba mga lola niyo?” kuwento pa niya.

Comment ni Eloise Adrid: “Naiyak ako dito ha. Naalala ko lola ko. Wala naman siyang naiwan na ganyang pera pero naiwan niya ang alaala ng kung paano niya kami inalagaan ng kapatid ko.”

“Iba talaga magmahal ang lola kaya saludo ako sa mga lolo’t lola kasi sila talaga ‘yung kahit isusubo na lang, ibibigay pa sa apo,” sambit naman ni Rosalyn Deocareza. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.