Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ipo Dam paapaw na

0 43

Nakatakdang magpakawala ng tubig ang Ipo Dam dahil sa patuloy na ulan dulot ng Habagat.

Ayon sa Pagasa, umabot na sa 100.56 meter ang water level ng Ipo Dam, dahilan para magsagawa na ng spilling operation. Ang normal na water level ng Ipo Dam ay 101 metro.

Alas-12:00 ng tanghali kahapon nakatakdang magpakawala ng tubig ang naturang dam, na may initial discharge na 38 centimeter.

Inabisuhan ang mga nakatira sa mababang lugar at sa malalapit sa Angat River tulad ng mga bayan ng Norazagaray, Angat, San Rafel, Bustos, Baliuag, Pulilan, Plaridel at Hagonoy na maging alerto sa pagpapakawala ng tubig. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.