Una sa Balita

Ipinangalan kay sister kahit buhay pa si tatay

0 472

Dear Atty. Claire,
Gud day po, atty. Claire, naguguluhan lang po ako kasi ‘yung lupa po namin ng family ko ay ipinalipat sa name lang ng sister ko pero buhay pa ang tatay ko pero ang nanay ko ay wala na.

Tatlo pa kaming magkakapatid. Puwede pa po bang pabago ‘yun at ipangalan sa aming apat… ipapangalan sa tatay namin at tatlo kaming magkakapatid? May habol pa po ba ako?
Edward

Edward,
Unang-una ay paano ba nalipat sa sister mo ang rehistro ng lupa ninyo? Baka naman ito ay ibinigay nang kusa o donation. Kung ibi-nigay ito ng magulang mo ay wala kayong magagawa sa ngayon dahil karapatan nila ang gawin ang nais sa lupa nang ayon sa gusto nila.

Kung nawala na pareho ang magulang at saka ninyo malalaman na wala na ka-yong anumang share o legitime sa mga ari-arian ng magulang ay doon pa lamang ninyo maaaring habulin upang hindi naman kayo mawalan ng parte sa mamanahin mula sa magulang. Hindi ligal ang mawalan ng share ang isang tagapagmana maliban lamang kung may dahilan para sa isang disinheritance. Ngunit kung ang lupang ito ay bahagi lamang ng free portion ng estate o sobra matapos ibawas ang legitime ng bawat tagapagmana ng mga magulang at hindi naman kayo mawawalan ng share sa iba pang ari-arian ng mga magulang ay hindi na ninyo mahahabol ang naibigay na sa inyong kapatid na masasabing parte ng free portion.

***

Kung may katanu-ngan pa ay tumawag lamang sa 410-7624 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy