Una sa Balita

Ipinakulong ng dyowa, nag-suicide sa selda

By
0 1,921

Isang preso ang nagpakamatay sa loob ng selda matapos itong ipakulong ng sari­ling misis na kanyang sinaktan, kamakalawa ng gabi sa bayan ng Cabusao, Camarines Sur.

Sinubukan pang dalhin sa Libmanan District Hospital ang biktimang si Reynaldo Alicante, nasa hustong gulang, subalit idineklara na itong dead-on-arrival ng sumuring doktor.

Sa inisyal na ulat sa tanggapan ng Police Regional Office 5 (PRO 5) sa Camp Simeon Ola, naganap ang insidente dakong alas-otso ng gabi, sa loob ng Cabusao Municipal Police Station (MPS) kung saan nakakulong si Alicante matapos ireklamo ng sariling asawa dahil sa pananakit.

Napag-alaman sa pulisya na bigla na lang nagsisigaw ang isang preso na kasama sa selda ng biktima at sinabing nagbigti umano ito.
Agad namang nagtungo ang pulis na naka-duty at doon nito nakita ang biktima na nagbigti gamit ang kanyang sweat shirt at itinali sa rehas na bakal ng kulungan.

Teorya ng pulisya, posibleng masyadong dinamdam ng biktima ang pagpapakulong sa kanya ng asawa dahilan upang maisipan nitong wakasan ang sariling buhay. ­