Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ipapawalang-bisa ampon ng namayapang magulang

0 88

Dear Atty. Claire,

Magandang araw po. Nakita ko po ang inyong email address sa Facebook at gusto ko po sana magtanong. Kami po ay apat na magkakapatid, babae (panganay), lalaki. (ako), babae at isang ampon-ampunang lalaki -bunso.Patay na ang aming mga magulang.Pero nag-ampon sila ng bata noong sila ay nabubuhay pa. Marami po akong tanong tulad ng:

1. Pwede bang mapawalang bisa ang ang pag-aampon kung ito ay hindi dumaan sa tamang proseso?

2. Pinalabas sa NSO Certificate na nanganak ang aking ina kaya hindi adoption papers ang record ng bata kundi ligitimate na anak.

3. Hindi kami kinunsulta na magkakapatid noong inampon ang bata.

4. Kayang patunayan sa pamamagitan ng DNA testing na hindi namin kapatid ang bata.

5. May kaugnayan pa rin kami sa totoong ina at mga kapatid ng bata.

6. Ano ang mangyayari at ano ang magiging proseso sa ganitong sitwasyon.

Salamat po,

Ar Mun

Mr. Ar Mun,

Ang tanong ko muna sa iyo ay hindi mo ba matanggap na tinuring mo siyang kapatid nung mga bata pa kayo? May kakaiba ba sa kanya para talikuran mo ang ninais ng mga magulang mo na ariin siya bilang anak? Kung puso ang pag-uusapan natin ay tanungin mo muna sa inyong magkakapatid kung ano ba ang nais ng magulang nyo patungkol sa ampon-ampunan niya.

Ngunit kung record ang pag-uusapan natin ay lumalabas pa rin na anak siya ng mga magulang ninyo at dapat na patunayan na hindi nga siya anak. Idadaan ninyo sa korte ang pagpapa-correct ng kanyang birth certificate at patunayan na fake ang birth certificate niya at ito ay hindi dumaan sa legal procedure.

Ayon din sa batas ang mga anak na lehitimo na may edad 10 taon pataas o mga lehitimong anak na parehong edad na nakatira sa mag a adopt ay dapat na may written consent. Kung hindi dumaan ang pag-aampon sa tamang proseso ay wala ring bisa ang ginawang birth certificate.

Ang gagawin ninyo na lamang ay pairalan ba ninyo ang batas para walang anumang maging karapatan ang batang iyan sa lahat ng maaaring manahin sa inyong mga magulang o ang isip para mabatid kung ano ang nais ng mga magulang ninyo kahit hindi pa dumaan sa legal ang pag ampon.

Kapag mag-asawa na kayo ay maaari ninyong pag- usapan kung anong klaseng trabaho o negosyo ay inyong papasukin kahit na may karapatan ang bawat isa na magtrabaho kung ito ay valid o lehitimo. Maaaring tutulan kung ang trabaho o negosyo ay labag sa batas o imoral. Kung hindi magkakasundo ay maaaring dumulog sa korte upang pag- usapan kung tama ba ang pagtutol ng asawa sa trabaho o negosyo ng kanyang asawa.

***

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 8922 0245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com. Please subscribe to my youtube channel Batas with Atty. Claire Castro. Subaybayin din po ninyo ang Asintado sa Abante News Online (Facebook) tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes sa ganap na 8:00 PM kung saan maaari kayong dumulog para sa inyong problema at mabigyan ng tugon sa abot ng aming makakaya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.