Una sa Balita

Ipagdasal natin sila

0 384

Dear Abante:

Nakakaawa at nahahabag ako sa sinapit ng maraming pamilya sa naganap na magnitude 6.6 na lindol sa Mindanao nitong nakalipas na araw. At sa pagsulat kong ito ay nakakaramdam pa rin sila ng mga aftershock. Naiiyak ako na makita ang mga picture ng mga batang nasugatan dahil sa pagguho ng kanilang mga bahay.

Hindi ko alam kung gaano kahanda ang gobyerno at mga lokal na pamahalaan sa mga ganitong sakuna. Sasapat kaya ang mga suplay ng pagkain para sa mga kababayan natin? May mga naihanda kayang evacuation area o ligtas na lugar na matutuluyan ng ating mga kababayan?

Sa kabilang banda ay nagpapasalamat na rin ako sa mga first responder na mga sundalo, volunteer at LGU na naunang tumulong sa mga nasugatan at naipit sa kanilang mga bahay at trabaho.

Sa huli, dalangin ko ang kaligtasan ng bawat isa sa atin, anuman ang pagsubok ay malalagpasan natin sa awa at tulong ng Poong Lumikha.

Dasal ko rin na mas maging mabilis ang daloy ng tulong at ayuda para sa mga biktima ng lindol.

Maria Teresa Navera

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More