Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ipagdasal natin si Kris – Bong

0 540

Dasal ang hiling ni Sen. Bong Revilla, Jr. para sa kumara niyang si Kris Aquino. Heto nga ang hiling ng bida ng seryeng ‘Agimat ng Agila’ na mapapanood sa GMA 7.

“Sa panahong ito na dumaranas tayo ng ating kanya-kanyang pagsubok, napakahalaga po ng pakikipag-kapwa-tao at pagmamalasakit sa isa’t isa. “We should not allow negativity to dictate our actions. We must let our compassion and humanity prevail.

“Kaya naman nananawagan po ako sa lahat na ipagdasal po ang kalagayan ng aking kumare na si Kris Aquino, na nagdadaan ngayon sa matinding pagsubok sa kanyang kalusugan – huwag na bilang isang celebrity; o isang political figure; kundi bilang isang kapwa tao na nakikipaglaban sa karamdaman.

“Get well soon Kris. Our prayers are with you.”

Revilla umayuda sa Siargao, Dinagat

Anyway, habang hinihintay ni Bong ang pagbabalik taping niya sa “Agimat ng Agila,” inikot muna niya ang mga lugar na sinalanta ng bagyong Odette.

Pinuntahan niya ang Siargao at Dinagat Islands noong January 20.

Sa ilalim ng Kaagapay sa Araw ng Pangangailangan-Bayanihan Relief (KAP-BR), namahagi sina Sen. Bong ng food packs at yero para sa gagamiting bubong sa mga nawasak na tahanan ng mga tagaroon.

Libu-libong food packs, at bigas ang ipinamigay nila, at sampung libong yero.

Itinurn-over nila ang malaking bahagi ng tulong na iyun sa Dapa Command Center, at tinanggap ng Pilar Mayor Liza Resurrecion na LMP President din ng Surigao del Norte.

Kasama rin nilang nag-ikot at namahagi ng tulong ang first nominee Agimat Partylist na si Bryan Revilla.

Bitin pa raw iyun kaya nangako si Sen. Bong na ‘pag makapag-ipon siya muli ng yero, bigas at food packs, babalik siya roon para mabigyan ang ibang kababayang sobrang apektado ng bagyong Odette. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.