Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ion sinusulot ni Sunshine? Vice nagpatutsada sa mga ‘ahas’

0 267

Sa simula, iisipin mong may problema sa lovelife si Vice Ganda. Feeling mo sa tweet niya, baka may babaeng nang-aahas sa dyowa niyang si Ion Perez.

May patutsada kasi si Vice sa mga taong mahilig mang-agaw, mang-ahas, manulot ng mga may karelasyon na.

“Malapit na mag Feb 14. Madami ng nagkukumahog sa pag-awra para umabot. Pati mga ahas porshur double time sa pandadaot,” unang tweet ni Vice.

Feeling ng mga faney, baka may problema nga sina Vice at Ion ngayon, at baka may kinalaman ang leading lady ni Ion sa ‘Kaka’ na si Sunshine Guimary?

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pero, sa kasunod na chika ni Vice, tila naibsan ang pag-aalala ng mga fan. Hirit kasi ni MJ Felipe; “Paano naman po kami na nasa laylayan?”

Meaning, paano raw ‘yung mga walang dyowa.

“Matagal-tagal ka ring nagpakasasa nung mga panahong kami ang wala. It’s my turn sabi ng tiyahin mong si Diana Ross!” reply ni Vice.

Oh, well… (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.