Una sa Balita

Ion Perez umamin sa relasyon kay Vice

0 5,170

Hot topic ngayon sa social media ang pag-amin diumano ni Escort Boy ng “It’s Showtime” na si Ion Perez sa relasyon nila ni Vice Ganda. Naganap daw ang pag-amin sa taping ng “Gandang Gabi Vice” na kung saan ay guest sina ­Charo Santos at Bea Alonzo para mag-promote ng “Eerie.”

Habang sinusulat ang kuwentong ito, hindi pa nagri-reply ang taong pinagtanungan ko tungkol sa nangyari umano sa “Gandang Gabi Vice.”

Pero, unang-una, bawal na bawal nga sa mga manonood, o kahit na sinong guest sa show ni Vice Ganda, ang mag-spiel ng kahit na anong kaganapan doon, lalo na at hindi pa nga naipalalabas ang mga episode na nakunan. Bawal na bawal nga ang mga spoiler, at posible silang kasuhan, ha!

Heto nga ang mga kuwento-kuwentuhan sa social media:
“Unkabogable Star Vice Ganda at Kuya Escort Ion Perez, umamin na?
“Nakaka-touch at nakaka­iyak ang pag-amin ni Meme Vice at Ion!”

May mga photo nga na nag­labasan na magkayakap sina Vice at Ion na parang pareho silang umiiyak, ha!
Heto pa ang chika ng mga fan sa socmed:

“This was during the movie promo of Ms. Charo Santos and Bea Alonzo on their upcoming movie Eerie. Last taping ng Gandang Gabi Vice. Credits: Rain Rain Ouch Ouch.”

“GGV Taping: Nakakaloka ang surprise ni Madam Charo kay Ate Vice. Nakaka-touch at nakakaiyak ang pag-amin ni Meme Vice at Ion.”

“Ipa-prank sana ng GGV staff dahil guest nila sina Ma’am Charo at Bea Aonzo to promote also their movie Eerie. Then na-prank nila si Vice Ganda na naka-‘The Nun’ costume sila ni Jacky (Ate Gurl), and then ‘yun si Bea nag-ask kay Ion if ano niya si Vice, then nag-follow up question si Ma’am Charo, then Ion admit na nahihirapan na raw siya na bawat may nagtatanong sa kanya about their relationship, na ayaw niya nang i-deny na pag once na mahal mo raw ipagmamalaki mo.”

Well, heto ang reaksiyon ng mga fan:

Renie Olmo: “Kung kasalanan ang magkaroon ng relasyon s parehong kasarian…bkit ang mga nanghuhusga hindi ba.kasalanan.. Anu ba ang Mali s magmahal s kapwa lalaki..my naagrabyado b my mga buhay bang sinisira.at my mga tao bang natatapakan?? Hindi b wala naman..kya imbis n pumuna o magsalita ng di maganda masmaigi n LNG n tumahimik at antayin ang tamang oras n dumating ang taong magpapasaya at mag mamahal syo….

Andrea Jess Smith ­Salvador: “Eh ano ngayon mga bashers!? mamatay kayo sa inis at inggit kaya ganyan kayo makapag-react!!! oo bakla si vice mayaman may pera!!! kung bibigyan niya ng pera si ion wala na kayo duon diba? pinapakiaalaman nio buhay ni vice at ion pero sarili niong buhay di nio makita vaka nga wala na kayong makain!”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy