Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ion Perez sumemplang sa motor

0 149

Nilinaw ni Ion Perez na hindi naman talaga siya napikon, o sumama ang loob sa jowa niyang si Vice Ganda, nang gupitan siya nito ng buhok, habang naglalaro ng online game.

Katuwiran ni Ion, magpapagupit naman daw talaga siya, pero dahil sa ginawa ni Vice, napaaga nga lang ang pagpapatabas niya ng mahabang buhok niya.

Kinontak pa ni Ion ang naggugupit ng buhok niya noong sumali siya sa isang male pageant, at nagkita sila sa isang townhouse ni Vice sa Quezon City para doon gawin ang gupitan.

Bawal nga kasi ang basta-basta magpapunta ng bisita sa tunay nabahay ni Vice lalo na ngayong pandemic. Sobra-sobra nga ang pag-iingat nila, na dapat lang naman.

Anyway, ikinuwento ni Ion sa kanyang YouTube channel ang dahilan kung bakit kailangan na rin talaga niyang magpagupit. At `yon ay dahil sa pagsemplang daw niya habang naka-motor.

“Kinakabahan ako!” sabi ni Ion sa simula.

“Pero siyempre, para sa akin naman `yon, para sa kaligtasan ko. Hassle na rin kasi.

“Nakakasagabal nga kasi sa mukha ko. Nasemplang tayo. Kung ako lang, balak ko talaga magpa-long hair. Pero, long hair ka nga, kung lagi ka naman sesemplang.

“Hindi naman ako robot para hindi makaramdam ng sakit!” sabi ni Ion.

Anyway, matapos nga ang gupitan (na sobrang iksi) na sabi nga ni Ion ay dati na rin niyang gupit, marami nga ang nagsabing mas lalo itong guwapo kapag short hair.

“Ang sarap sa pakiramdam na maiksi ang buhok. Isa-sacrifice ko talaga ang buhok ko. Napapahaba naman `yon. Pero ang buhay isa lang `yan.

“Naisip ko talaga na ang dahilan ng pagkasemplang ko ay ang buhok ko. Para sa akin `yon, ha!” sabi pa ni Ion.

Anyway, agad ngang inusisa ni Vice ang buhok ng jowa niya. At heto nga ang reaksiyon niya.

“Ang ang pogi mo! Ang pogi mo! Crush kita!” patawa-tawang reaksiyon ni Vice kay Ion, sabay yakap at halik.

“Ang guwapo ng baby ko oh! Nagmukha kang bata ulit oh!” dugtong na chika pa ni Vice habang panay ang ayos ng buhok kay Ion.

“Nagustuhan niya o china-charing lang niya ako? Hahahaha!” sabi pa ni Ion.

Anyway, si Ion nga pala ay bida sa pelikulang ‘Kaka’ kasama sina Sunshine Guimary at Jerald Napoles.

Si Vice naman ay naghahanda para sa online concert niyang Gandemic Vice Ganda, The VG-tal Concert, na gaganapin sa July 17, 18, at mapapanood sa ktx.ph, SkyPPV, iWantTFC.

Well… (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.