Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ion nagulat sa laplapan kay Sunshine

0 668

Kahit na walang kaugnayan sa It’s Showtime at sa Grand Finals ng Tawag ng Tanghalan, sinagot pa rin ni Vice Ganda ang tanong tungkol sa boyfriend na si Ion Perez at sa diumano’y laplapan scene nito at ng bagong VIVA star na si Sunshine Guimary sa movie.

Ang tanong ay kung nagpaalam daw ba si Ion sa kanya.

“Siyempre alam ko yun dahil ako ang manager ni Ion at ako ang pumirma sa kontrata, ‘di ba? Nae-excite ako at sobra kong proud na, ‘ay ang taray, may nakuhang ganung role si Ion, na siya ang pinili. Ang taray mo, you’re the chosen one’.”

Kilala rin naman daw niya si Sunshine dahil nai-guest na niya ito sa GGV.

“Ako, go lang ako, nasa showbiz tayo. Trabaho yun. Kikita siya do’n, ‘di ba? Bibili niya ko ng bagong rubber shoes,” biro pa niya.

Hindi lang sigurado si Vice kung mapapanood niya ang movie o ang love scene mismo nina Ion at Sunshine. Kasi raw, si Ion mismo, ayaw na pinapanood ang sarili nito.

“Kahit sa pelikula ko na nandoon siya, hindi siya sumasama sa sinehan, nahihiya siya. Kahit yung Mang Kepweng na bumili pa ko ng tickets para panoorin namin noong Pasko, ayaw niyang panoorin.

“So, hindi ko alam kung panonoorin namin dahil nahihiya talaga siya.”

Sa totoo lang, siya raw ang nagsabi kay Ion na sexy-comedy ang tema ng movie. Nagulat pa raw ito ng malamang may laplapan kaya hirit niya sa jowa, “Paanong magiging sexy-comedy kung walang laplapan? Tapos sabi niya, paano yun? Sabi ko, aba, hindi ko alam, hindi naman ako nakipaglaplapan sa babae ‘no!

“Ako, go lang ako, deds ako sa ganun. Super support ako. Siyempre, success niya sa yun and Ion is a different person. Iba si Ion, iba si Vice. Hindi rin pag-aari ni Vice si Ion. Pwede siyang lumipad, lipad ka lang diyan, papalakpakan kita.”

At saka nai-segue nito sa grand finals na ng TNT ngayong Linggo na sey niya, “Kung yung mga TNT nga, hindi ko naman mga kamag-anak, hindi ko naman jowa, pinapalakpakan ko, sinusuportahan ko, yung jowa ko pa kaya?!”

***

Pagtulong ni Heart minasama ng mga basher

SM SuperKidsDay Banner Ad

Tumutulong na nga si Heart Evangelista, pero meron at meron pa rin talagang mga namba-bash sa kanya.

Si Heart kasi, kapag may nakita ito sa social media na naawa o na-feel niya na kailangan tulungan, talagang nire-repost niya at nagtatanong kunsaan mahahanap.

Katulad na lang ng isang ama na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya. May apat na milyong workers daw sa bansa ang nawalan ng trabaho at sa kawalan ng maipangtutustos sa kanyang pamilya, sinulat nito sa placard na dala habang namamalimos na hindi siya masamang tao. Nawalan siya ng pagkakakitaan at kinakalimutan muna raw niya ang kanyang dignidad para sa pamilya.

Ni-repost ito ni Heart at may caption na, “Who is this man? Can anyone help me find him.”

Obviously, naantig ang puso ni Heart sa lalaki at siguradong planong makatulong. Pero sa comment section, nandiyang may namba-bash pa rito at sinabihang for positive publicity lang ang ginagawa.

Na kesyo kung gusto raw makatulong talaga, pwede naman daw pa-contact mismo ang site na nagsulat.

Sa isang banda, marami pa rin naman ang nakaka-appreciate ng ginagawa niya at nagpapasalamat dito. Nagwi-wish din sila n asana nga raw, mahanap ni Heart at matulungan.

***

Ellen dedma sa galit ng kampo ni Andrea

“Papansin” ang tawag ng ilang netizens kay Derek Ramsay sa tuwing magko-comment ito sa post ni Ellen Adarna.

Tulad na lang ng simpleng comment niya lang na, So cute” sa underwater picture na pinost ni Ellen kasama ang anak nila ni John Lloyd Cruz na si Elias.

Magkasama that time sina Ellen at Derek sa isang resort sa Batangas, along with friends. Kaya yung neighborhood dinner lang noong una, napakarami nang naging kasunod na sighting na pagsasama nila.

At kung tulad ng mga netizens na hindi natutuwa sa closeness nina Derek at Ellen, eh, dedma naman ang dalawa at puwedeng ang sagot sa mga hindi natutuwa sa kanila, “mainggit na lang kayo,” huh!

Dedma nga si Ellen sa galit ng mga fan, supporter ni Andrea Torres, ang ex-girlfriend ni Derek.

Leave A Reply

Your email address will not be published.