Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ion ‘di kinaya kabalahuraan ni Vice

0 279

Masuwerte rin naman si Vice Ganda sa asawa niyang si Ion Perez, na kahit balahurain niya ito at kulit-kulitin, sumasakay na lang sa kanyang trip ang huli.

Sa YouTube ni Vice na may pamagat na “Ganito Kami ni Ion sa Kwarto” mapapanood na sa gitna ng video ang pagrereklamo ni Ion dahil inututan siya ng asawa.

Matapos pasingawan sa ibabaw ng kama ni Vice, tumayo at lumayo si Ion sa huli. Parang nababaliw si Ion na taas-baba ang ulo at katawan nito sa halos hindi nakayanang pambabalahura sa kanya ni Vice.

Sabi pa niya, “Tatlong taon na tayo ngayon mo lang inututan!”

Pinag-tripan lang ni Vice ang asawa sa kanyang vlog dahil naunang nangulit ang kanyang mister sa kanya, kaya sa halip na matulog ito nang maaga, dilat pa ang mata ng komedyante ng alas-dos ng madaling araw.

Kung maangas lang siguro si Ion at hindi ito naka-vlog, baka sininghalan at inaway na nito si Vice. Para sa ibang tao, isa sa mga nakakapikon na joke ay ang utot.

Anyway, bahagi lang ito ng masayang pagsasama nina Vice at Ion, na nagpapakita ng kakaiba nilang lambingan.

Masuwerte si Ion sa komedyante lalo’t napapasaya siya nito at nasasakyan din naman ang pagiging childish niya.

Ellen, Derek super wild sa Africa

Malayo sa bituka!

‘Yan marahil ang dahilan ng mag-asawang Derek Ramsay, Ellen Adarna kung bakit hindi nila nagawang kanselahin ang kanilang honeymoon trip kahit na nga may banta ng giyera sa mundo, kaugnay sa nagaganap na banggaan sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Nasa Tanzania ang dalawa, isang bansa na matatagpuan sa East Africa. Nasa Instagram ni Derek ang unang araw nang pagdating nila sa nasabing lugar.

Nagposte naman si Ellen sa kanyang wall na kasama ang anak sa photo.

Sa sobrang excitement nga nina Derek at Ellen, ibinahagi nitong 24 hours silang nagbyahe at ‘di na nila nakuhang maligo para samantalahin ang unang araw na makapag-picture sa lugar.

Anyway, wala namang banta na posibleng madawit sa giyera ang Tanzania o ang Africa lalo at malayo ito sa Russia at Ukraine.

Dahil kilala sa pagkakaroon ng wild ang lugar na pinuntahan nila, asahang mas magiging wild din ang pulot-gata ng mag-asawa.

Alexa, KD sumikat sa PBB

Ang laking tulong sa career ni Alexa Ilacad ang pagkakapasok niya sa PBB para mapansin at mas lumawak pa ang fan base niya.

Ang dating hindi naman masyadong napapansing aktres, ngayon ay maya’t maya nagti-trending sa Twitter at iba pang social media dahil sa mga kaganapan sa buhay nito, career at love team kay KD Estrada.

Halos mapuno ang Twitter local arena sa rami ng mga fan na bumati sa kaarawan ni Alexa. Iba’t ibang fan group, netizen ang nag-tweet, na akala mo sila ang nagsi-celebrate ng kanilang kaarawan.

Kung hindi dahil sa PBB at sa mga isyung ipinukol sa young actress sa loob ng bahay ni Kuya, baka hanggang ngayon isa lang sa mga star ng Kapamilya si Alexa.

Dati nang nai-team up si Alexa kay Nash Aguas. Ngayong nasa team-up ito kay KD, paboritong pag-usapan sa twitter si Alexa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.