Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Inuulan ng biyaya: Dingdong mabuting asawa, ama, anak

0 141

Marami ang naantig ang puso sa bonding moment ng mag-amang Dingdong Dantes at Zia. Kasi nga, ramdam na ramdam ang pagmamahal ng ama sa anak, o anak sa ama.

Ang madalas na pagsasama nila sa pagkanta, pagtugtog, paglalaro, at kung ano-ano pa, ay sapat na rason para masabi mong wala nang mahihiling pa si Zia bilang anak, sa pagkakaroon ng ama na tulad ni Dong.

“Sobrang nakakatuwa that Ate Z and I get to spend so much time together these days,” sabi ni Dong sa latest photo nila.

At hindi lang yan, dahil si Dong ay mabuti ring anak sa kanyang mga magulang. Marami nga ang nag-enjoy sa video na pinost ni Dong sa Instagram, bilang tribute sa kanyang ina.

“Growing up, it was my Mom who accompanied me in my projects, from my first exposure to commercials at the age of three to TV and movie shoots.

“And even up to this day, she is one of my biggest supporters and cheerleaders, regardless of how my performances are.

“But it has always been my dream to appear in a TV commercial with her; and i guess, i just don’t want to sit and wait for that to happen.

“So, i decided to literally sit beside her, watch and film her do what she does best because it is about time to act on this dream.

“Sharing with you snippets of my Mom’s magic— something that has kept me, us— her family always excited to be on the table to celebrate togetherness with her recipes, despite the circumstances.

“So here. I made her, her own commercial. One that speaks truly about heritage, inspiration, and above all— love. @mamatas.kitchen,” say ni Dong, na isa ring mabuting asawa kay Marian Rivera.

Mamata’s Kitchen (@mamatas.kitchen) • Instagram photos and videos
3,313 Followers, 11 Following, 12 Posts – See Instagram photos and videos from Mamata’s Kitchen (@mamatas.kitchen)

Anyway, dahil sa magandang imahe ni Dingdong Dantes, hindi kataka-taka na ulanin siya ng mga biyaya, at sangkatutak na endorsement pa rin ang napupunta sa kanya, kahit ang dami-raming sumisikat na mga batang aktor ngayon.

Iba nga kasi ang image ni Dong, na isang butihing asawa at ama sa kanyang mga anak na sina Zia at Ziggy.

“I’m happy and honored sa bago kong role. The fact that Medicol considered me to be its endorser, habang ang buong mundo ay nakakaranas ng pandemya, it makes me grateful,” sabi ni Dong.

“Ni-launch ang campaign noong July and we are exploring projects na puwede kaming mag-collaborate to inspire Filipinos to rise above challenges, lalo na ngayong panahon ng pandemya. Masaya kaming makatrabaho si Dingdong,” sabi naman ni Lisa Angeli K. de Leon, ang brand manager ng Medicol.

Anyway, 2008 noong unang maging endorser si Dong ng Medicol, at malaki ang pasasalamat niya na hanggang ngayon ay pinagkakatiwalaan pa rin siya nito.

I wish him well — Andrea, Derek ‘naduwag’ sa mga basher

Hindi na kinaya ni Derek Ramsay ang panlalait, pang-iinsulto, pang-aaway sa kanya ng mga netizen, kaya naman limited na ang comment section sa kanyang Instagram, lalo na sa mga latest post niya tungkol sa namatay niyang aso, at sa birthday ng kanyang ina.

Si Andrea Torres naman, sa pamamagitan ng statement na ipinadala niya sa GMA 7, mas gugustuhing manahimik na lang.

“Yes Derek and I are no longer together. I’d rather keep the details private as I want to give the breakup the same amount of respect that I had for the relationship.

“I think you all know how much it meant to me. I hope you understand. I will always wish him and his family well,” sabi ni Andrea.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.