Una sa Balita

Inuman nauwi sa patayan, obrebo bulagta

0 337

Todas ang isang laborer matapos siyang saksakin ng kanyang matalik na kaibigan habang nasa aktong silang nag-iinuman sa isang kubo sa First Gate, Ucab, Itogon, Benguet noong Sabado.

Kinilala ng Itogon Municipal Police Station (IMPS) na si Christopher Balanni, tubong Banaue, ng Itogon sa nasabing lalawigan.

Samantala, ang suspek na matalik na kaibigan ng biktima ay nakilalang si Binuhe Nahuyaman, 25, binata, tubong Hingyon, Ifugao, ng Ucab, Itogon.

Sa inisyal na imbestigasyon, ayon sa IMPS, ang matalik na magkaibigan ang nag-iinum sa isang kubo First Gate at masayang nagtatawanan hanggang sa sumiklab ang isang mainitang pagtatalo na hindi malaman ang dahilan.

Sa kanilang pag-aaway, biglang bumunot ng patalim ang suspek at tinarakan ng mga saksak sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang biktima.

Si Balanni ang namatay bago dumating ng Baguio General Hospital and Medical Center, ayon sa mga doctor.

Tumakas si Nahuyaman pagkatapos ng pananaksak ngunit hinabot at nahuli siya ng mga miyembro ng IMPS arresting team. (Allan Bergonia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy