Una sa Balita

Int’l cruise ibabawal sa Boracay kapag peak season

By
0 595

PINAG-AARALAN ng Department of Tourism (DOT) ang posibleng pagbabawal sa mga international cruise ship na bumisita sa isla ng Boracay kapag panahon ng peak season.

Kung maisasakatuparan ang binabalak ng kagawaran ay maaaring ipatupad ito sa nalalapit na Semana Santa, summer vacation at Kapaskuhan na kadalasang ‘bulto’ ang bilang ng mga tao.

Sinabi ni Tourism Regional Director Helen Catalbas, hangad nito na masiguro na hindi malalabag ang bilang ng tao na 6,405 turista sa isla kada araw.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More