Una sa Balita

Internet speed inabot ng away-korte

By
0 199

Nangangamba ang isang senador na posibleng maapektuhan ang kampanya ng gobyerno na pabilisin ang internet connection sa bansa dahil sa kinakaharap na asunto ng Philippine Competition Commission (PCC).

Bunga ito ng paghahain ng PLDT at Globe sa Court of Appeals ng petition for certiorari laban sa PCC kung saan hinihingi rin nila sa korte na mag-isyu ng temporary restraining order sa pagbusisi ng PCC sa naging transaksyon noong Mayo 30, 2016 kung saan binili ng PLDT at Globe ang telco asset ng San Miguel Corp.

Ayon kay Sen. Bam Aquino, nakakalungkot isipin na bago pa man makapag-imbestiga ang PCC sa posibleng sabwatan ng dalawang magkaribal na kumpanya ay pinigilan pa sila sa trabahong ito.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy