Una sa Balita

Internet café hinoldap, 1 todas

0 217

PATAY ang lalaking bantay ng isang internet shop matapos manlaban sa umatakeng holdaper kamakailan sa Lapu-Lapu City, Cebu.

Dead on the spot matapos magtamo ng isang tama ng bala na hindi pa batid na kalibre ng baril sa ulo ang biktimang si Francis Jakosalem, 25-an­yos, ng Barangay Labogon, Mandaue City, at bantay ng Miles Internet Café na matatagpuan sa Barangay Pajac, Lapu-Lapu City, Cebu.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente pasado alas-11:00 nang gabi nitong Biyernes, Agosto 23 ng pasukin ng hindi pa kilalang suspek na armado ng baril ang internet café at nagdeklara ng holdap.

Isa pa nitong kasamahan ay nasa labas ng internet shop at nagsilbing lookout.

Pilit na kinukuha ng suspek ang P7,000 kita ng internet shop sa biktima subalit imbes na ibigay ay nanlaban ang biktima dahilan upang barilin siya sa ulo ng suspek na agad nitong ikinamatay.

Matapos makuha ang pera ay tumakas ang mga suspek patungo sa hindi batid na lugar. (Edwin Ba­lasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy