Una sa Balita

Interes sa bilyar, dapat palakasin — Amit

0 191

DISMAYADO si world champion Rubilen Amit sa pagbaba ng interes ng mga Pinoy sa larong bilyar.

Kaya naman, nanawagan siya sa gobyerno maging sa mga miyembro ng media na tulungan silang palakasin muli ang interes ng mga Pilipino sa naturang sports.

Ito ang panawagan ng 37-anyos na manunumbok sa pagbisita niya sa ‘Usapang Sports’ ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) Huwebes sa National Press Club sa Intramuros.

“Billiards remained a force to reckon with sa international scene. Carlos Biado won the world title in 2017 at muntik na niyang makuha ‘yung back-to-back last year, medyo kinapos lang. Right now, despite the success of Filipino player­s sa abroad, bumaba talaga ‘yung popularity ng sports,” pahayag ni Amit.

Itinuturong dahilan ni Amit sa pagbaba ng interes sa bilyar ang kakulangan sa mga local tournament.

“Hindi naman nawawala ‘yung kasikatan nina Bata Reyes, Django Bustamante at iba pang billiards player natin. Medyo, nawala lang ‘yung ingay dahil na rin sa kakulangan sa local tournaments. Medyo, ‘yung mga sponsors sa sports namin nagpapahinga po yata,” pabirong komento ni Amit. (Janiel Abby Toralba)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy