Una sa Balita

Inter State, Caloocan Girl markado

0 294

BAKBAKAN ang mga batang kabayo sa 3-year-old Group Race (7) ngayong gabi sa Santa Ana Park sa Carmona, Cavite.

Pito ang kalahok sa 1,300-meter race, markado sa mga liyamadista sina Caloocan Girl at Inter State.

Parehong may best time na 1:19 sa 1,300 meters sina Caloocan Girl at Inter State pero maraming karerista ang nagsasabing puwede silang masilat lalo na gabi ang labanan.

“Mga batang kabayo ‘yan at gabi pa, baka meron diyan mahirap patakbuhin sa gabi,” porkas ni Cornelio Delos Reyes.

Galing sa panalo si Inter State kaya posibleng siya ang maging top favorite sa event na pasisibatin sa Race 4.

Ang ibang kasali ay sina Heritage, Early Bird, Spanish Creed at Chef Kat. (Elech Dawa)