Una sa Balita

Insurance sa trabaho

0 264

Itinalaga po ang buwan ng Enero kada taon bilang ‘National Microinsurance Month’ para lalong mapalalim ang pang-unawa at kamalayan ng mga Pilipino sa mga positibong dulot ng pagkakaroon ng microinsurance.

Ano po ba ang microinsurance? Proteksyon po ito para sa mga low-income household, minimum wage earner, at mga kababayan na­ting walang access sa financial market tulad ng mga nasa informal o underground economy.

Abot-kamay po ang microinsurance premium. Nakasaad po sa batas na hindi dapat lumampas sa 7% ng arawang kita o daily minimum wage ang premium na babayaran subalit aabot naman po sa 500 beses ng daily minimum wage ang maximum coverage.

Halimbawa, sa kitang P600 kada araw, P42 po ang premium na babayaran pero puwede pong umabot sa P300,000 ang makukuhang benepisyo.

May mga pawnshop o sanglaan din po na nag-o-offer ngayon ng microlife insurance. Halimbawa, ang ‘ProtectMax’ ng isang kilalang pawnshop sa bansa ay mabibili sa halagang P50 kada certificate na valid sa loob ng apat na buwan.

Sa ilalim ng nasabing microinsurance, may makukuha na pong P25,000 na accidental at death benefit, P5,000 na fire cash assistance, P20,000 na accidental disablement, P5,000 para sa murder o unprovoked assault, P5,000 na death benefit dahil sa pagkakasakit o katandaan, at 1,000 na emergency cash assistance dahil sa pagkakaospital.

Mayroon naman pong ‘Family Protect Plus’ ang isa pang kila­lang sanglaan kung saan sa halagang P90 kada taon, may matatanggap na pong accidental bene­fit, disablement, burial assistance, cash assistance, at fire assistance ang limang miyembro ng pamilya edad 18-75.

Iba’t ibang mga microinsurance product din po ang ino-offer para sa mga micro, small and medium enterprise o MSME, barangay tanod, miyembro ng TODA, at security guard.

Para sa ating mga kababayang nasa sektor ng agrikultura, mayroon naman pong livestock o cattle insurance, crop insurance, at iba’t ibang microinsurance na magagamit sa panahon ng kalamidad.

Maituturing din pong ‘insurance sa trabaho’ ang mga ito dahil habang kumakayod tayo, panatag ang ating kalooban na mayroon tayong matatakbuhan sa oras ng kagipitan at hindi masyadong mabigat ang magiging epekto ng anumang aksidente, pagkakasakit o kalamidad sa ating hanapbuhay o negosyo.

Nakatuon po ang pansin ng gobyerno sa microinsurance dahil mga benepisyong maaaring makuha rito ng bawat Pilipino. Kaya naman sa ilalim ng Proklamasyon Bilang 1212, inaatasan ang lahat ng mga ahensiya ng pamahalaan, kasama ang mga local government unit, pribadong sektor at mga civil society group na makiisa sa paggawa ng mga aktibidad na makakahimok sa mga Pilipinong magsiguro sa tulong ng microinsurance.

Inaasahan po na sa taong 2022, 50 milyong Pilipino na ang may microinsurance na magbibigay sa kanila ng seguridad at proteksyon sa buhay.

Insurance…

Noong 2013, umabot sa halos kalahating bilyong piso ang napakinabangan ng mga kababayan nating sinalantang bagyong Yolanda. Malaking bahagi po ay nanggaling sa mga microinsurance product ng iba’t ibang non-bank institution tulad ng mga sanglaan at remittance center.

Maging matalino po tayo sa pagpili ng bibilhing insurance na angkop sa ating pangangailangan at kalagayan sa buhay. Makakatulong po ang tamang pagbabadyet at pag-prioritize ng mga gastusin sa bahay para makakuha ng tamang microinsurance policy.

Job Fair Schedule
LGU Muñoz Job Fair
Science City Gymnasium
Muñoz, Nueva Ecija
January 13

LGU San Ildefonso Job Fair
San Ildefonso Parish Church
San Ildefonso, Bulacan
January 15

LGU Bustos Job Fair
Dr. Pablito Mendoza Gymnasium
Bustos, Bulacan
January 16

senatorjoelvillanueva@yahoo.com

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More