Una sa Balita

Insurance sa mga jobless, itinulak

By
0 5

Itinulak ng isang senador na magkaroon ng insurance ang mga manggagawa upang mayroon silang makuhang benepisyo kapag nawalan ng trabaho.

Ito ang inirekomenda ni Sen. Richard Gordon sa pamunuan ng Social Security System (SSS) upang sa gayon ay may matatakbuhan ang mga manggagawa kapag nawalan sila ng trabaho.

“We propose that the SSS should provide unemployment insurance enough to meet the fami­ly’s basic needs while the breadwinner is unemployed and is seeking employment.” giit ni Gordon.

Marami sa mga manggagawa ngayon ang madalas mawalan ng trabaho kapag natapos na ang kanilang kontrata sa trabaho.

Wala pang umiiral na batas para ipagbawal ang ‘endo’ o end of contract o yaong mga employer na pinagtatrabaho lamang ng limang buwan ang kanilang empleyado upang hindi sila maging regular employee.

Sa survey ng Social Weather Station (SWS) noong Marso 2017, tinatayang 10 milyong Pinoy ang jobless sa unang quarter ng taon.

Itinuturing ng SWS ang “joblessness” bilang mga Pinoy na walang trabaho subalit nagsusumikap na makahanap ng trabaho kung saan hiwalay ito sa mga taong walang trabaho subalit hindi naghahanap ng trabaho, gayundin ang mga housewife at estudyante.