Una sa Balita

Instructor, student pilot ligtas sa plane crash

By
0 479

ISANG flight instructor at estudyanteng babae ang kapwa nakalusot sa kamatayan matapos mag-crash ang eroplanong sinasakyan sa bukirin ng Brgy. Homestead 2, Talavera, Nueva Ecija kahapon nang umaga.

Sa ulat ni P/Lt. Colonel Alexie Desamito, nakilala ang mga biktima na sina Maria Thalia Zenith Ruiz Limpin, 22, dalaga, mag-aaral ng Fast Aviation Aca­demy sa Lingayen Pangasinan, residente ng Bayan Luma 5, Cavite at Boni Domopoy Sorgon, 31, flight instructor, residente ng Brgy. Libsong West, Linga­yen, Pangasinan.

Nabatid na dakong alas-8:20 nang umaga nang magkaroon ng mechanical trouble ang makina ng 2-seater Cesna 172P plane na may number RP-C2847 na nakabase sa Lingayen, Pangasinan.

Patungo sana ng Cabanatuan City ang trainer plane at babalik ng Lingayen nang mangyari ang aksidente.

Mabilis silang naisugod sa Talavera General Hospital at naideklarang ligtas sa aksidente.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More