Una sa Balita

Installer sa POGO site nakuryente, patay

0 225

PATAY ang 24-anyos na installer nang dumikit sa kuryente ang electric dynamo ng air compressor na kanyang nahawakan sa Kawit, Cavite.

Idineklarang dead-on-arrival sa Binakayan Hospital ang biktimang si Johnmark Lagos, installer ng Xiai Song Corp at residente ng 209 Via Ferrea St., Caridad, Cavite City.

Sa ulat ni PSSgt. Jason Murcia ng Kawit Municipal Police Station, alas-4:30 kamakalawa nang hapon nang naganap ang insidente sa POGO building 8 Project site sa First Orient International Venture Inc., Barangay Pulvorista-Binakayan.

Nabatid na papalabas ang biktima sa naturang kuwarto sa nasabing building nang sa paghawak nito sa stainless na hawakan ng pintuan ay dumikit sa electro dynamo ng air compressor na dahilan sa kanyang pagkakakuryente at nagresulta sa kanyang kamatayan.

Ito na ang pangalawang insidente ng sakuna sa nasabing construction site kung saan namatay din ang erector na si Manuel Oli, 32, matapos na mabagsakan ng beam. (Gene Adsuara)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy