Una sa Balita

Instagram account ni Ellen ini-report ni Angelica

By
0 4,799

Hacked? O ini-report ng kung sino? O baka ni-report ng kampo ni Angelica Panganiban? O ipina-delete ni John Lloyd Cruz? O siya mismo ang nag-deactivate?

Ganiyan ang haka-haka ng netizens sa biglaang pagkawala ng Instagram account ni Ellen Adarna. Kapag nag-search ka nga sa Instagram ng name ni Ellen na @maria.ellen.adarna ay ang mga linyang ‘no posts yet’ ang makikita mo at ‘user not found’.

At zero followers, following, at posts nga ang IG wall na ‘yon ni Ellen, na dati-rati naman ay hitik na hitik sa mga eksena, ha! At kahit ang IG stories niya, wala na ring makikita.

Sa Instagram account ni John Lloyd Cruz na @ekomsi ay makikita ang mga lumang pag-like ni Ellen sa mga post ng dyowa niya.

Pero ‘pag nag-click ka sa name na ‘yon ni Ellen, wala ka na talagang makikita.

Umiwas na nga ba sa stress si Ellen? O sadya nga bang nag-deactivate para hindi na makita ng mga fan nila, o kahit sinong taga-showbiz, o netizens, ang mga eksena nila, lalo na ngayong nababalitang pakakasal na talaga sila, at nagpapagawa na nga ng bahay sa Palawan?

Well, wait na lang natin kung hanggang kailan magiging ‘user not found’ ang Instagram account ni Ellen.

Pero for sure, malabong gawin ni Angelica na mag-report. Makikita sa IG stories ni Angelica kung gaano kasaya niyang sinalubong ang Araw ng mga Puso na kasama ang mga kaibigan niya, ha!

So, ‘wag nang idamay si Angelica.