Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Inspirasyon ng mga netizen: Alden nagtapos na ‘Cum Laude’

0 179

Kasalukuyang nasa lock-in taping na ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards. Nag-resume na nga silang muli ng taping para sa pagpapatuloy ng next season ng primtime series na “The World Between Us.”

Ang alam namin, naka-lock-in na sila hanggang sa October ng taong ito at tulad nang ipinangako nila, sa second week of November naman ang pagre-resume nito sa primetime ng GMA-7.

Nagparamdam na nga si Alden sa Instagram post niya na in-character na siya at sa caption niya, “Louie says Hi.”

Pero ang maganda kay Alden, kapag talaga ginusto niya ang isang bagay, talagang magagawa at gagawin niya. Nabanggit na ni Alden sa interview sa kanya na nag-aaral siya ngayon via online para na rin sa kanyang mga negosyo.

Pero bukod dito, uma-attend din ito ng ilang mga seminar. Kung tama ang pagkakaintindi namin sa pinost niyang certificate, “with distinction” at “Cum Laude” ang grade na nakuha niya sa naging seminar.

Tungkol sa Financial Accounting 101 for Entrepreneurs and Professionals at Stock Market 101: Fundamental Analysis.

Pero sey pa ni Alden, tipong nagawa niya ito dahil dahil sa pagka-bored. Sey niya kasi, “What boredom can do…”

Pinuri naman si Alden ng lahat na very productive raw sa kanyang oras.

Jackie Rice nagkasakit, sinipa sa GMA serye

Mukhang hanggang last minute, nagkakaroon ng pagpapalit sa final casting ng bagong GMA-7 series na sisimulan ng gawin, ang “Artikulo 247” na obviously, base sa isang batas sa bansa.

From Rocco Nacino, biglang naging si Benjamin Alves dahil si Rocco ay ipinasok sa “To Have and To Hold” na supposedly, si Derek Ramsay naman. So, ang casting na, Benjamin, Mark Herras, Rhian Ramos at Jackie Rice.

Pero balita namin, mukhang hindi na raw matutuloy si Jackie. Ang dahilan, nagkaroon din daw ito ng health issue o problem kaya kailangan ng palitan.

Ang ipapalit daw, ang freelancer na ngayon na original Kapuso talaga na si Kris Bernal. Pero, totoo nga kayang may mga nagtataka at nagugulat kung bakit daw si Kris ang ipinalit at hindi muna ang ibang mga artists ng GMA Artist Center na pwede naman at wala pa rin serye ngayon?

Pumanaw na lola markado sa katawan ni Kobe

Birthday ni Kobe Paras noong September 19, base sa reply nito sa birthday greetings sa kanyang ng ina niya na si Jackie Forster kung saan, shinare ni Jackie ang first sushie date raw nila at sabi ni Kobe, nakatatak o nakaguhit na ‘yun sa kanyang puso at isipan ng habambuhay.

Pero sa kanyang katawan, ang pina-tattoo niya ay ang mukha ng kanyang Lola. Emotional si Kobe na inalala ang pagkawala ng Lola may isang taon na ang nakararaan at sa kanyang IG profile, ang picture nila ng Lola niya ang nilagay niya.

Kasabay ang IG stories niya na, “this day will never be the same for me. It was the last time I got to hear your voice and talk to you. You meant the world to me, lola. I really wish I had more time to tell you how much you mean to me.

“You’d usually be the one crying every time I had to go leave the house for school in LA or even the national team. Now that it’s been a year, I still breakdown thinking about you.

“I always question that man above why you a lot of times I wish it was me. It should’ve been me. You had the purest soul, the kindest heart, you made me believe in good people. I wish I could hold your hand one last time.”

At saka nga niya ipinost ang picture ng lola niya na ipina-tattoo niya sa katawan. At sey pa niya, “You left us on the 23rd but I never got to talk to you again since this day… you’re with me forever. I hope I make you proud.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.