Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Inso pilak sa wushu

0 38

DINAGDAGAN ni Jones Inso ng isang pilak na medalya habang dalawang tanso naman ang iniambag ng mga rower sa pagbabalik aksiyon ng Team Pilipinas sa ginaganap na 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam Biyernes.

Iniuwi ni Inso ang medalyang pilak sa men’s Taijiquan event ng Wushu competitions sa pagtala ng kabuuang 9.70 iskor upang angkinin ang kanyang unang medalya sa kada dalawang taong torneo.

Related Posts

Nagwagi ang Malaysia (9.71) para sa ginto at ikatlo ang Singapore na may iskor na 9.57.

Nabigo naman ang kakampi ni Inso na dating SEA Games gold medalist na si Daniel Parantac na nagkasya lamang sa iskor na 9.26 puntos. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.