Una sa Balita

Insentibo ng mga Hall of Famer dodoblehin

0 294

NAASAHANG madodoble ang maiuuwing insentibo ng 10 iluluklok ngayong taon sa Philippine Sports Hall of Fame.

Ito ang napag-usapan sa pagpupulong ng Philippine Sports Hall of Fame (PSHOF) 2020 Committee sa pamumuno ni Philippine Sports Commission Chairman William Ramirez matapos pag-usapan ang pagsisimula ng nominasyon sa Marso sa unang miting ng komite para sa ikaapat na batch ng iluluklok na mga atleta, coach o opisyal.

“This is good that we met early so we have ample time to study the nominations,” sabi ni Ramirez.

Dumalo rin sa pulong ang mga miyembro ng screening committee na sina Games and Amusement Board (GAB) Chairman Abraham Mitra, Philippine Olympic Committee Secretary-General Atty. Edwin Gastanes, Integrated Cycling Federation of the Phili­ppines Secretary-General Atty. Avelino Sumagui, University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Executive Director Atty. Rene Saguisag Jr., at SEA Games gold medalist at Philippine Olympians Association President Akiko Thomson Guevara.

Ang kasalukuyang cash gift sa mga maluluklok sa Hall of Fame ay P100,000.
Ang HOF o Republic Act No. 8757 ay kinikilala ang mga Pilipinong atleta, coache, at trainor na nagbigay dangal at karangalan sa bansa sa kanilang career, at pagpapakita bilang isang ehemplo at modelo ng magandang pag-uugali. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More