Una sa Balita

Insentibo ipambibili ng lupa

0 319

GANADO ang Philippine rowing team sa 30th Southeast Asian Games dahil halos lahat ng mga miyembro ay ibinibigay ang lahat para sa kanilang pamilya.

Tulad ni Joane Delgaco na nakasungkit ng gintong medalya nang makipagtambalan kay Melcah Caballero upang magwagi sa women’s lightweight double sculls.

At dahil may insentibo, ang bawat medalyang iaambag sa Pilipinas ay inaalay nito ang kanyang tagumpay sa kanyang pamilya.

Rookie sa SEA Games si Delgaco, ayon sa kanya bibili ito ng lupa sa Iriga City, Camarines, Sur para makatulong sa kanyang pamilya.

“Bibili po ako ng lupa para sa aming kabuhayan ‘yung makukuha kong incentives,” masayang saad ni 21-year-old Delgaco. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More