Una sa Balita

Insecure? Mar Roxas allergic kay Bam sa kampanya

0 1,083

MAGKAHIWALAY na na­ngampanya sa Negros Occidental noong Martes at Miyerkoles ang dalawang kandidato ng Otso Diretso na sina dating Interior Secretary Mar Roxas at Senador Paolo Benigno ‘Bam’ Aquino IV.

Ito’y matapos na tanggihan umano ni Roxas ang pakiusap ni Aquino na magsabay na lang sila sa pangangampanya sa natu­rang lalawigan.
Ayon sa source, nabigla umano ang mga supporter ni Aquino nang malaman na ayaw ng kampo ni Roxas na magkasabay ang dalawang kandidato sa pag-iikot sa lalawigan.

Noong 2015 ay nagkaroon umano ng sama ng loob si Roxas kay Aquino matapos na bumoto ito sa pagbasura ng disqualification case ni Senador Grace Poe sa Senate Electoral Tribunal (SET).

Ipinetisyon ng dating Senate staff at natalong senatorial candidate Rizalito David na idiskuwalipika si Poe dahil ampon lang ito at hindi maituturing na ‘natural born citizen’ at hindi maaaring tumakbo sa pagka-presidente ng bansa.

Nakalaban ni Roxas si Poe noong 2016 presidential elections na pinagwagian ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Itinanggi ni Roxas na sinadya niyang iwasan si Aquino sa pangangampanya sa Negros Occidental sa pagsasabing ‘fake news’ at intriga lamang ito.

Binanggit naman ni Aquino na normal lang na maghiwalay sila ng kampanya dahil sa mga conflict sa schedule.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy