Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Inoperahan sa bituka; Santo Papa nakakalakad na

0 186

Maganda na ang kondisyon ni Pope Francis matapos itong maoperahan nitong Linggo.

Ayon kay Matteo Bruni, tagapagsalita ng Vatican, naglalakad na ang Santo Papa dalawang araw matapos ang operasyon nito sa bituka.

“This morning he had breakfast, read some newspapers and got up to walk. The post-operative recovering is regular.

Routine control tests are good,” ayon kay Bruni.

Ang surgery na ginawa sa Santo Papa ay para sa kanyang symptomatic stenotic diverticulitis.

Ang diverticulitis ay pamamaga dahil sa pag-develop ng maliliit na sac sa malaking bituka.

Inaasahan na manatili sa ospital si Pope Francis sa loob ng isang linggo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.