Una sa Balita

Inmate todas sa heat stroke

By
0 105

Patay ang isang preso sa heat stroke nang hindi makayanan ang labis na init sa siksikang selda sa loob ng Manila Police District (MPD) kamakalawa sa Ermita, Maynila.

Nalagutan ng hininga habang ginagamot sa Ospital ng Maynila ang inmate na si June Agdeppa, 45, car painter, at residente ng Bohol Street, Tondo.

Nabatid na si Agdeppa ay nakakulong sa naturang bilangguan simula pa noong Hunyo 13, 2017 dahil sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sa imbestigasyon ni SPO3 Jonathan Bautista, ng MPD-Homicide Section, alas-11:00 ng umaga nang maganap ang insidente sa detention cell ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng MPD sa UN Avenue sa Ermita.

Bago nasawi, dumaing ang biktima ng paninikip ng dibdib at hirap sa paghinga habang nasa loob ng detention cell bunsod umano ng labis na init ng panahon.

Matatandaan na noong Linggo, dalawang bilanggo ng MPD-Station 9 sa Malate, Manila ang nasawi habang kritikal ang isa pa dahil din sa heat stroke.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy