Una sa Balita

Inmate patay sa atake

By
0 161

Hindi inabot ng 24-oras sa kulungan ang isang detainee matapos itong mawalan ng malay at mabilis na isinugod sa ospital kung saan hindi na ito umabot nang buhay dahil sa atake sa puso dulot ng hypertension.

Sa nakalap na ulat mula Dasmariñas Component Police Station, mag-aalas-10:00 ng umaga kamaka­lawa nang mapansin ng mga kapwa inmate na walang malay si Joey Delos Santos y Gloria kaya agad itong dinala sa Pagamutang Bayan ng Dasmariñas.

Ngunit deklarado ng dead-on-arrival ang detainee pagsapit sa ospital.

Batay sa salaysay ni Susan Gloria, tiyahin ni Joey, madalas nang sumpungin ng hypertension ang pamangkin bago pa man ito naaresto ng mga awtoridad dahil sa illegal gambling activities.

Kasalukuyan nang nakalagak sa Starlight Fune­ral Parlor ang labi ni Delos Santos.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More