Una sa Balita

Inmate inatake, todas

By
0 5

Nasawi ang isang 44-anyos na inmate ng Manila Police District (MPD)-Station 4 matapos makaramdam ng paninikip ng dibdib at hinalang inatake ng sakit sa puso kahapon sa Sampaloc, Maynila.

Binawian ng buhay ang inmate na kabilang sa suspek sa illegal drugs na si Lauro Dulawan y Lee, binata, taga-#40 Santos St., Ugong, Pasig City.

Sa imbestigasyon ni PO3 Dennis Turla ng MPD-Homicide Section, alas-2:05 ng madaling-araw kahapon nang ideklarang patay si Dulawan ni Dr. Glenn Usita habang naka-confine sa Ospital ng Maynila bunga ng paninikip ng dibdib.