Una sa Balita

Injury ni Almazan ‘seryoso’ — Black

0 331

TUMAGAL lang ng higit 6 minutes si Raymond Almazan sa Game 3 ng PBA Governors Cup Finals kontra Ginebra noong Linggo sa Smart Araneta Coliseum.

Kalagitnaan ng first quarter, napasama ang bagsak ng Meralco big man habang pa-layup, tumiklop na sapo-sapo ang kaliwang tuhod.

Pinasan pa siya ni Raymar Jose palabas ng court at papasok ng dugout.

“Eto masakit ‘pag inu­unat,” anang 6-foot-7 slotman sa kanyang kaliwang tuhod.

Bago natapos ang break, dinala sa Makati­ Med si Almazan at iniskedyul ang MRI kahapon.

Nawala ang pambara ni Norman Black sa gitna, namiyesta sina Japeth Aguilar at Justin Brownlee para itulak ang Gin Kings sa 92-84 win at 2-1 lead sa series.

Umaasa si Black na hindi ganun kalala ang injury ni Almazan, pero pinaghahandaan na niya ang mga posibleng senaryo sa kabuuan ng best-of-seven.

“Being a former player myself, that’s not a good sign,” ani Black sa postgame interview.

“I’ll try to be as positive as possible and hopefully, he’ll be okay. But being a former player­ myself, having a swollen knee at the middle of the championship is not something that you could just bounce-back that easily.”

Halatang apektado ang mga kakampi sa inabot ni Almazan. Pagbalik mula sa break, ay nawala sa ritmo ang Bolts at naiwan ng hanggang 78-55 at na-outscore 35-16 sa third. (Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More