Una sa Balita

Iniwang mensahe sa bulsa ng nagbigti

'Cause of death, bangungot'

By
0 417

ISANG lalaki ang natagpuang patay at nakabigti gamit ang kumot sa loob ng kanilang palikuran sa Lungsod ng Valenzuela kahapon nang madaling-araw.

Isang ‘death note’ naman ang natagpuan sa kanyang bulsa na nagsasaad ng “Cause of Death Bangungot, tnx”.

Sa ulat ng Valenzuela City Police Community Precint 5, ganap umanong ala-1:40 nang mada­ling-araw nang matagpuan ng nakababatang kapa­tid ang nasawing si Arwin, 39-anyos, may asawa, utility worker ng Pamantasang Lungsod ng Valenzuela at taga-Valenzuela.

Mabilis itong humingi ng saklolo sa kanilang barangay at sinubukan pang i-revive ang biktima ngunit bigo silang maisalba pa ito.

Sa pagsisiyasat naman ng Scene of the Crime Ope­ratives ay wala namang nakitang kahit anong external injuries sa biktima maliban sa bakas ng kumot sa kanyang leeg. Doon na rin nakita ng pulis­ya ang nasabing huling mensahe sa bulsa ng suot na short ng biktima.

Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang masigurong walang foul play sa krimen.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy