Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Inisyung import permit sa pork pinababawi kay Dar

0 54

Pinababawi ng Samahang Industriya sa Agrikultura (SINAG) sa Department of Agriculture (DA) ang mga sanitary phytosanitary import clearance o mga permit na ibinigay sa mga pork importer sa bisa ng Executive Order No. 128 na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Bahagyang umurong ang economic team sa paglaslas ng taripa ng imported pork at pagpapabaha sa merkado ng 404,000 toneladang imported pork na papasok sa mababang taripa.

Inanunsiyo ng DA na imbes na ibagsak sa 5% ang tinatawag na inquota tariff ng imported pork, gagawin na lang itong 10% samantalang 30% ang taripa nito kung hindi dahil sa EO 128.

Ang minimum access volume o ang dami ng aangkating baboy sa mas mababang taripa na ang sinisingil ng inquota tariff ay gagawin na lamang 254,210 tonelada kahit pa nasa 54,000 tonelada ito nakaraang taon.

Sabi ni SINAG chair Rosendo So, maituturing na ring tagumpay ang bahagyang pag-atras ng economic team matapos ipaglaban ng Senado ang interes ng agrikultura particular na ng local hog industry.

Ayon sa SINAG, mahalaga ngayong timbrehan ang Bureau of Customs tungkol sa mga bagong taripa para ito ang singilin sa mga papasok na imported pork.

Tanong ng SINAG: Sino sino ang mga importers at gaano karami na ba ang nabigyan ng SPSIC o permits sa ilalim ng EO 128?. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.