Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Inis sa ‘no bakuna, no entry’: Kelot sinilaban sarili

0 131

Binuhusan ng isang lalaki ang kanyang katawan ng gasolina bago niya tuluyang liyaban ang kanyang sarili nitong Bagong Taon.

Batay sa report ng The Herald Sun, naganap ang insidente sa Melbourne, Australia nang mapansin na may isang lalaking nasusunog sa loob ng sasakyan.

Ayon sa mga nakasaksi, nagsisisigaw umano ang kelot habang papalabas ng kanyang sasakyan, agad namang umaksyon ang mga bumbero at pulis para maapula ang sunog.

Isang babae na customer sa isang restaurant ang naglantad na inis umano ang lalaki sa bagong mandato sa Australia na bawal pumasok sa ilang establisimyento ang mga hindi bakunado.

“He was screaming about mandates. He was screaming ‘No vax ID’, and throwing books,” ayon sa bystander.

Kaagad namang naisugod sa ospital ang Australyano na buhay pa ngunit kritikal ang kondisyon.

Sa Australia, kailangang magpakita ng pruweba ng vaccination bago payagang makapasok sa mga restaurant, bar at sinehan dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Leave A Reply

Your email address will not be published.