Una sa Balita

Iniligtas ng kapre! Paslit buhay sa naabong bahay

By
0 597

NAPALITAN ng labis na tuwa ang matinding hinagpis ng pamilya ng isang apat na taong gulang na babae makaraang matagpuan itong buhay, na unang inakalang namatay matapos na makulong sa nasusunog nilang tahanan sa Cubao, Quezon City, ayon sa ulat kahapon.

Ayon kay Quezon City Fire Marshal Sr. Supt. Jaime Ramirez, si Precious Tabuena, 4-an­yos, ay himalang nabuhay sa natupok nilang tahanan sa No. 51 14th Ave., Brgy. Socorro, alas-nuwebe ng gabi (Pebrero 12).

Nang maapula ang apoy ay hinanap ng mga bumbero at lola Lita Rose ang kanyang apo na si Precious na umano’y nakulong sa nasunog nilang tahanan subalit hindi ito nakita.

Hindi naman sumuko sa paghahanap ang lolo ng bata na si Carlo Flores at makalipas ang apat na oras ay narinig niya ang boses ng apo na tinatawag umano siya, hanggang matagpuan niyang nakasiksik sa punong balete na nadaganan ng pader at buhay na buhay.

Ayon naman sa tiyahin ng biktima na nakila­lang si Carla Flores, noong hindi pa nasusunog ang kanilang taha­nan ay lagi itong nagsasalita na tila may kausap habang naglalarong mag-isa sa puno ng balete na katabi ng kanilang bahay.

Kaya hinala ng mga kapitbahay, posibleng may naninirahang kapre o anumang uri ng engkanto sa puno.

Nabatid na ang sunog ay nagsimula sa natumbang kandila dahil isang buwan na umanong walang suplay ng kuryente ang pamilya ng biktima, at kasamang natupok ang apat na katabi nilang kabahayan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy