Una sa Balita

Iniipit na reward sa Batocabe slay, ipasisilip ng Malacañang

0 351

Handang paimbestigahan ng Malacañang ang ulat na pang-iipit umano sa P35 million reward money na dapat matanggap ng informant sa pagpaslang kay dating Ako Bicol Party-list Representative Rodel Batocabe.

Ito ay makaraang makarating sa Malacañang ang sumbong ng impormante na hindi lahat ibinigay sa kanya ang reward money bagkus ay P6 milyon lamang ang natanggap nito at ang sobra umano ay ibinulsa ng mga pulis.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na kailangang maimbestigahan ito para mabatid kung may iregularidad sa pagbibigay ng reward money.

“Pag may official complaint, di imbestigahan natin,” ani Panelo.

Naghain na ng resolusyon sa Kamara para imbestigahan ang hindi pagbibigay umano ng buong reward money sa impormante na nakapagturo sa mga salarin sa pagpaslang sa dating party-list representatve.

Nagpasaklolo sa media ang impormante sa Batocabe slay case matapos hindi nasunod ang itinakdang reward na P35 milyon. (aileen taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy