Una sa Balita

Iñigo pinaligaya ni Jokoy, Maris nainggit

0 331

Kadalasan ay sa mga komedyante umaasa ang mga taong pagod at malungkot. Kapag nakararamdam na ng lungkot at pagod ang mga tao, pinipili ng mga ito na manood ng mga nakakatawa para mabuhayan ng loob.

Pero ano nga ba ang istorya ng mga komed­yante? Well, nakilala nang personal ng aktor na si Iñigo Pascual ang sikat na Fil-Am comedian na si Jokoy.

Kuwento ni Iñigo, marami siyang natutunan rito at nagbahagi nga sa Instagram ng salaysay kung gaano ito humanga kay Jokoy.

First time lang magkakilala sa personal ang dalawa pero tila nakilala na ni Iñigo nang lubos ang naturang komedyante.

“So much respect! Can’t even put to words how crazy this night was! Got so much wisdom from you Kuya @jokoy. I just gotta share what I saw tonight… He was literally sick today before the show. He had an IV Drip to feel better. You can tell by the sound of his voice that he was still feeling under the weather but he still went on with the show and made everyone laugh,” sabi ni Iñigo.

Nagkasama nga ang dalawa sa backstage bago pa man magtanghal ang komedyante, at binigyan pa ito ng jacket na matchy sila, ha!

“That’s when I realize being a Comedian is no joke.. (irony) They have to make you happy even if they aren’t in the best state or condition! He killed that show and even shared some personal and emotional things which made the show special!” dagdag pa ni Iñigo.

Kahit nga ang on screen partner ni Iñigo na si Maris Racal ay tila nainggit na nakita ito ng anak ni Piolo Pascual at nakakuha pa ng aral mula rito.
Hiling naman ng mga fan na sana ay magkaroon ng pagkakataon na dito sa Pilipinas magtanghal ang komedyante.

(Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy