Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Inigo pasok sa TV show ni Susan Sarandon

0 64

Pang-Hollywood talaga si Iñigo Pascual, lalo na kung talent ang pag-uusapan.

Kumpirmado na ngang makakasama si Inigo sa isang drama series na pagbibidahan ng award-winning American A-list actress na si Susan Sarandon, na mapapanood sa FOX TV.

Trending ngayon sa social media ang nasabing anak ni Piolo Pascual dahil kalat ang news article mula sa Fox na nagbabalita tungkol sa pagkakasama sa cast ng Pinoy singer-actor sa serye na may titulong “Monarch”.

Base sa article ni Alexandra Del Rosario sa Deadline, iikot ang kuwento sa pamilyang nagsimula ang buhay sa Texas at nasabak sa masalimuot na buhay sa limelight.

Hindi nabanggit kung ano ang magiging papel ni Iñigo, pero ang iba pang mga artista na makakasama niya ay sina Anna Friel, Albie Roman.

Matatandaang naudlot ang Hollywood singing career ni Iñigo nang hindi natuloy ang dapat sana’y pagsama niya sa isang boy band, noong hindi pa siya tuluyang pumapalaot sa Philippine Entertainment arena.

Nang magdesisyon si Iñigo na bumalik ng Amerika nitong pandemya, nakagawa ito ng mga kanta roon.

Ngayon ay abot-kamay na ng aktor ang inaasam na pangarap na mapasok ang American entertainment world.

Samantala, isang country music ang ginamit na audition piece ni Iñigo.

Isang fan ang nag-tag kay Iñigo ng sariling YouTube acoustic cover vlog niya nang nasabing awitin.

Sabi ni @itzSabrinaM, “Bringing this cover back in honor of your new show.”

Tugon naman ng aktor, “This was actually my Audition Song.”

Bea nakakabaliw mahalin, ayon kay Dom

Walang duda na naliligo sa pagmamahal si Bea Alonzo mula sa kasintahang si Dominic Roque.

Sa mga post ng aktor sa kanyang social media, lumalabas na mas nababaliw sa pag-ibig si Dominic dahil sa mga palipad-hangin nitong nararamdamamg kaligayahan sa piling ng aktres.

Gaya na lamang ng latest post nito ng larawan nila ni Bea na kuha pa sa bakasyon nila sa Amerika. Magkadikit ang mga mukha ng dalawa sa larawan habang nasa background nila ang dagat.

Matalinhaga ang caption ni Dominic pero alam naman ng lahat na ang ibig nitong sabihin ay matapos ang mga pagsubok na pinagdaanan nila ni Bea, ang hantungan nito ay ang ang masaya nilang relasyon.

“Difficult roads often lead to beautiful destinations #TiNik2021,” sabi ni Dom.

Kung ano ang sakit na naidulot ng nakaraang pag-ibig ni Bea, pinupuno naman ni Dominic ng kaligayahan ang aktres. Syempre, kinilig naman ang kanilang mga follower.

Arnel nireklamo Louis Vuitton

Tinatawagan ng pansin ni Arnel Pineda ang Louis Vuitton kaugnay sa pinakita nitong itsura ng carry-on luggage nya mula sa nasabing luxury brand.

Sa tweet ng lead vocalist ng bandang The Journey, nirereklamo nito ang kanyang bag na may sira.

“Hi @louisVuitton used this carry-on I bought from you for 4x only & this is what happened…should I stop believing on you? A little help, maybe?”

Mapapanood sa video na may sira ang isang bahagi sa ilalim ng bag.

Kalmado lang ang panawagan ni Arnel sa LV kaya naman sinuportahan siya ng mga follower niya.

Pinayuhan sya ng mga itong dalhin sa LV shop ang item para mapalitan.

Pokwang kumasa ng kadyutan kay Aira

Sa edad na 51, napatunayan ni Pokwang na kaya pa niyang makipagsabayan ng kadyutan. Nakipagpatalbugan nga ang komedyana kay Sexbomb Aira Bermudez sa TikTok dance video sample nito.

Tinapatan ni Pokwang ang video ni Aira at sinabayan sa hatawan.

Nagmukhang bagets si Pokwang sa husay at lambot ng katawan nito na parang hindi 51 years old. ‘Yun nga lang hiningal at sumakit ang katawan.

“Buset ka nak @airabermudez sakit mo sa buto at laman sabayan waaaa ayoko na last na ito!!! @tiktok_philippines @tiktok pagkatapos nitp nakadalawang Alaxan if are ako bwahahaha if are????”.

Throwback lang, dating dancer si Pokwang bago nag-artista.

Leave A Reply

Your email address will not be published.