Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Inigo nagpakitang gilas sa Korean event

0 78

Ang bongga talaga ni Inigo Pascual, dahil hayun nga, bigla siyang sumulpot sa Simply K-Pop Con-Tour sa Arirang YouTube channel.

Ang bongga nga na ipinakilala si Inigo ng dalawang Korean host, at ipinakita muna kung paano napadpad ang eroplano nila sa Pilipinas.

“Hello sa inyong lahat!” bungad na pagbati ni Inigo sa mga fan online.

At sa chikahan ni Inigo sa dalawang host, sinabi niyang sobrang proud siya na napili rin ang Pilipinas na makasama sa event na ito.

“Well of course, it made me proud that they chose the Philippines for one of their stops – knowing that they have so many K-pop fans in the Philippines. I myself, am a K-pop fan. So I’m very happy and very proud that the Philippines was chosen. So thank you guys,” sabi ni Inigo.

Naikuwento rin ni Inigo na dahil sa pandemic, may mga trabaho siyang hindi natuloy. Pero, tuloy pa rin siya sa pag-create ng mga magagandang content, at kanta siyempre.

SM food to go Banner Ad

Nagpakitang gilas din si Inigo sa paghirit ng kanta ng Big Bang. Live niyang kinanta sa harap ng mga fan mula sa iba’t ibang panig ng mundo, na umani naman ng masigabong palakpakan.

Naikuwento rin ni Inigo na nakapag-shoot din siya sa Korea ng kanyang music video. At maganda raw ang naging karanasan niya sa Korea.

Inimbita nga rin siya ng mga host na bumalik sa Korea. At kung gagawa raw uli siya ng music video, bet niyang makasama ang Big Bang.

Anyway, ang mga nag-perform nga pala sa event na ito ay ang KENHYPEN, AB6IX, MINZY, OnlyOneOf, BIBI, Lim Seo Won, GreatGuys, NORAZO, NTX, SORAN, DONGKIZ, MAJORS, KEEMBO, SeoSungHyuk.

Well… (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.