Una sa Balita

Iñigo at Maris hiwalay na?

By
0 3,057

Nanliligaw nga ba si Iñigo Pascual sa Korean host na si Sunny Kim na
kilala rin bilang si VJ Sunny? Nagsimula nga ito nu’ng sabihin niyang
gusto niya ito.

Well, agad nga itong itinanggi ni Iñigo, na kesyo wala raw romantic
angle sa kanila. Hinahangaan lang daw niya talaga ito bilang isang
talented na VJ kung saan fluent ito sa English at Tagalog sa kabila ng
pagiging isang genuine Korean nito.

Bago pa man kumalat ito at maging dahilan para magselos si Maris Racal
at maghiwalay sila agad, pinatay na nga ni Iñigo ang usok para hindi
na maging isang malaking apoy.

Nakakahanga nga naman ang isang katulad ni Sunny na bago sumabak sa
pagbi-VJ ay she made sure na magaling na siya sa ibang language na
karamihan ay siyang kahinaan ng ilang Koreano na sumikat dito sa ating
bansa.

So, itigil na ang tsismis na hiwalay na agad sina Iñigo at
Maris, ha!

Kyline, Jeric tandem kabog sina Bianca, Miguel

Although hindi naman sina Jeric Gonzales at Kyline Alcantara ang
magka-love team sa Kapuso serye na Kambal, Karibal, pero sobrang dami
talaga ang nagpu-push ng KyRic loveteam, huh!

Sa social media, marami talaga ang mga tagahanga na nagsasabing bagay
ang dalawa at may chemistry na ramdam daw nilang lahat.

Nagsimula ang pagpu-push ng love team nila nang magkasama sila sa
isang episode ng Magpakailanman, at nasundan nga nitong pagsasama nila
sa KK.

At heto pa, dahil sa lakas nila sa socmed, isang indie producer ang
nagka-interest na sugalan ang kanilang love team kung saan magsisimula
na silang mag-shoot para sa movie na Teka…Teka na tungkol naman sa
ADHD.

Kaya dapat ang GMA Artists Center ay pansinin na ang potential love
team na ito bago pa man maudlot dahil baka manghina­yang sila one of
these days.

Kung kani-kanino na rin nai-partner si Jeric pero ang
pinaka-successful sa lahat ay ang ‘love team’ nila noon ni Ken Chan sa
Destiny Rose, but it’s not for real, ‘ika nga.

Who knows, baka si ­Kyline na ang tamang aktres para sa kanya, devah?
‘Yun na!