Una sa Balita

Iñigo mahilig manilip

0 282

Sa panahon ngayon na pabongga nang pabongga ang mga cellphone camera, na ang mga tao ay dutdot dito, dutdot doon ang drama, mas lalo talagang nagiging exciting ang buhay.

At sa ganyang usapin, naglantad ng isang guilty fact ang aktor at singer na si Iñigo Pascual tungkol sa kanyang bad habit sa tuwing napapaligiran ng mga taong busy magdutdot ng cellphone nila.

“I have this bad habit of reading the phone of the person next to me… not cause I want to but just cause my eyes go there…(laugh emoji),” sabi ni Iñigo.

Ibig sabihin, hindi niya maiwasang sumilip sa cellphone ng katabi niya. Ano naman kaya ang nararamdaman noong sinisilipan niya o alam kaya iyon ng sinisilipan niya?

Karaniwan ng mga tao ay naiilang ‘pag nakakaramdam na may sumisilip sa kanilang cellphone, pero marami naman ang naka-relate sa singer-actor.

“Same here! Tapos pag sila naman tumi­ngin sa phone mo, maiinis ka. (laugh emoji),” sabi naman ng isang fan. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy