Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Inigo ibibida OPM sa buong mundo

0 37

Ayaw magpakabog ni Inigo Pascual sa tatay niyang si Piolo Pascual. Hindi man niya naabot ang kasikatan ng ama bilang aktor sa Pilipinas, sa ibang bansa naman siya gumagawa ng ingay.

Katunayan, sa June 25 ay bibida na worldwide, ang “Options” album ni Inigo, tampok ang 12 orihinal na kanta. Layuning maipakilala ang tunog ng Original Pilipino Music (OPM) sa buong mundo.

Ni-record ni Inigo ang kanyang ikalawang full-length album at kauna-unahang international album kasama ang iba’t ibang mga producer, songwriter, mula sa Manila at California sa loob ng dalawang taon.

Pangunahing konsepto ng “Options” album ang ‘self-discovery’ at paglalakbay ng isang tao sa mundong puno ng posibilidad. Maririnig dito ang pag-explore ni Inigo sa kanyang musika sa pamamagitan ng dance pop, island pop, dancehall, R&B, reggae, at acoustic tracks na ipinrodyus ng ABS-CBN Music label na Tarsier Records.

SM food to go Banner Ad

Carrier single ng album ang “Neverland” na prodyus ng global hit producer na si Bernard “HARV” Harvey.

Kasama rin sa “Options” album ang mga naunang ni-release na single, tulad ng “Danger” kasama ang Common Kings at si DJ Flict, “Should Be Me,” at ang mga kolaborasyon niya kasama si Tarsier Records label head Moophs na “Lost,” “Catching Feelings,” “Always,” at ang stripped version ng “OMW.”

Mapapakinggan na ito sa Spotify, Apple Music, Deezer, at iba pang digital music apps simula sa 25. Mapapanood na rin ang music video ng “Neverland” sa June 28, sa YouTube channel ng Tarsier Records. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.