Una sa Balita

Ingrato ba, Gen. Bato?

0 10

Tinawag ni Philippine National Police (PNP) Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa na ‘ingrato’ ang mga bumabatikos sa war on drugs. Katuwiran niya, nakikinabang din naman ang mga kritiko sa kapayapaan at kaayusan na idinulot ng madugong kampanya ng pulisya laban sa iligal na droga.

Pero, nasaan ba ang ‘peace and order’ na ipinagmamalaki ng PNP chief para sabihing walang utang na loob sa kapulisan ang mga tao? Hindi mararamdaman ito ng mga tao kung ligalig ang kanilang kalooban dahil sa takot na baka sila ang sumunod na mapatay o madamay sa war on drugs.

Ilagay siguro muna natin sa ayos ito. Unang-una, tungkulin ng mga pulis na pagsilbihan at proteksyunan ang mamamayan. Nakalagay pa nga sa official seal at badge ng PNP ang mga katagang “service, honor, justice”. Pangalawa, nanumpa sa kanilang tungkulin ang bawat pulis na pagsisilbihan nang buong katapatan ang mamamayan at ang bansa.

Abante Hiring – IT dep
Related Posts

Subalit hindi ganu’n ang nangyayari sa reyalidad kung pagbabatayan ang mga kaganapan ngayon na malaking lamat ang idinulot ng war on drugs sa pundasyon ng PNP at sa tiwala sa kanila ng mamamayan.

At gusto rin natin ipaalala sa PNP na hindi lamang ang kampanya kontra droga ang dapat nilang tinututukan. Marami pang mga krimen ang nagaganap. Halos araw-araw mayroong napapatay.

Mula sa mga karaniwang theft and robbery (maaaring sabihin na petty crimes ang iba pero krimen pa rin , ‘di po ba?), ay patuloy din ang mga insidente ng patayan na riding-in-tandem ang mga suspek.

May mga pulis din na nasasangkot sa krimen. Police scalawags, ninja cops.