Una sa Balita

Ingram, Rondo, Paul suspendido

By
0 283

TULAD ng inaasahan, binagsakan ng NBA ng multiple-day suspensions sina Brandon Ingram at Rajon Rondo ng Los Angeles Lakers, at si Chris Paul ng Houston dahil sa kaguluhan sa Staples Center noong Sabado.

Pinakamarami ang tinanggap ni Ingram – four games without pay. Tatlong larong suspension na walang bayad kay Rondo.

Si Paul ay kuryente ng two games without pay.

Sa 4:13 ng fourth quarter ng 124-115 win ng Rockets, sumiklab ang gulo na inumpisahan ng tulak ni Ingram kay James Harden matapos ang and-1 call sa drive ng Houston guard.

Linggo nang ihayag ni Kiki VanDeWeghe, Executive Vice President, Basketball Operations, ang desisyon ng NBA.

Nailayo na si Ingram pagkatapos itulak si Harden, pero mula sa kabilang dulo ay bumalik para magpakawala ng suntok. Kinompronta pa niya ang isang game official.

Kasalanan ni Rondo ang pandudura kay Paul at pagbigwas ng left hook sa Rockets playmaker.

Sinundot ni Paul ang mukha ni Rondo, gumanti rin ng suntok.