Una sa Balita

Ingatan natin ang ating kalusugan

0 326

Dear Abante,

Maganda araw sa inyong lahat! Pati na sa mga taga-Tondo na mahilig magbasa ng Abante!

Nag-aalala lang ako kasi sa dami nang problemang nararanasan ng ating bayan tulad lamang ng pagputok ng Bulkang Taal, at ang pasaway ng POGO Chinese na dala ay krimen, at parang hindi pa nga tayo nakakatayo sa pagtama ng bagyo at lindol at heto naman may nababalitang pagkalat ng deadly virus.

Nakakatakot isipin na may virus na maaring mamatay ang magkakaroon nito, sana ay makagawa na ng gamot dito sa misteryosong virus na nagmula pa raw sa China.

Huwag naman sanang kumalat ang nasabing virus sa ating bansa, at sana ay mapigilan ito ng Department of Health na kumalat at makapanghawa kasi kawawa naman ang bansa natin sa dami na ng problema.

Sa tingin ko kasi malamig ang panahon kaya lumalakas ang power ng mga dead virus pero alam naman natin na kahit paano ay kaya nating maiwasan ito sa paraang maging malinis sa katawan at damit, paghuhugas ng kamay bago kumain at alagaan ang kalusugan para ‘di tayo magkasakit.

Salamat po at nawa’y ‘wag nang pumasok sa Pilipinas ang coronavirus, tayo’y magdasal para sa ating kaligtasan.

Bega Pors ng Tondo

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More